Mr. Jericho E. Padilla:
Ito ay tugon sa iyong katanungan kaugnay sa inyong alegasyon na may nagaganap na irregularidad sa pag-aaproba ng withdrawal-funds para sa inyong mga proyekto na nagaganap sa inyong
institution.
Nabanggit mo sa iyong liham ang mga sumusunod:
"Hello! I am a student leader in a state university. Member ako ng highest governing student body organization sa campus namin. Kapag nagpo-process kami ng resolutions para sa withdrawals namin sa fund namin for our projects, may time na hindi pinipirmahan ng head ng institution namin iyong resolution namin kahit dumaan naman sa tamang proseso. Nireview naman ng mabuti ng student council namin iyong pagkakagastusan. Furthermore, pinagbotohan na rin ng student council namin. Pinipirmahan naman ng adviser, Head ng Student Affairs and Services iyong mga resolutions namin kaso nga lang hinaharang sa taas. Hinaharang niya lang dahil sa whims niya. Well in fact, in-aassure naman namin na dumadaan sa deliberation. Furthermore, minsan ayaw niyang pirmahan iyong projects namin kasi may project siya na gustong papondohan sa amin na hindi naman gusto ng council. Kapag hindi po namin sinusunod iyong gusto niya, hindi niya na po pipirmahan iyong mga resolutions namin kahit dumaan naman sa tamang proseso."
Ang mga tanong niyo ay:
"1. Ano po kayang legal action ang maaaring gawin ng aming student council hinggil sa issue na ito?
2. Ano po ang pwedeng discipinary action sa official na gumagawa nito?"
Dahil sa kakulangan ng ilang inpormasyon sa iyong liham, nais naming ipaalam sa inyo na tutugonan po namin ang inyong mga katananungan batay sa inyong representasyon.
Ayon sa aming pagsusuri, ang iyong liham ay may kaugnayan sa mga sumusunod na concerns o katanungan:
1. Ministerial ba sa Puno ng Institusyon na aprobahan ang budget para sa proposed project na sinangayunan ng student council at Head ng Student Affairs and Services;
2. May jurisdiction ba ang Komisyon ng Serbisyo Sibil sa isang Puno ng Institution;
3. Kung may jurisdiction ang Komisyon ano ang tamang hakbang sa pag-file ng Complaint at anong kaso ang maaari ifile laban sa puno ng inyong institution.
Nais naming ipaalam na bilang patakaran o polisiya, ang tanggapang ito ay hindi nagbibigay ng katagorikal na opinyon na kung saan ang mga
issues nito ay magiging pangunahing nilalaman sa kasong administratibo sa Komisyon sa pamamagitan ng
appeal o
complaint. Ito ay para maiwasan ang pasibilidad ng
prejudgement kung sakaling may nai-
file na
actual na kasong administratibo kaugnay sa nasabing
issues.
Gayun pa man, ang mga sumusunod ang aming tugon sa inyong
concerns.
Bilang tugon sa iyong unang
concern, bagamat may kakulangan sa impormasyon kaugnay dito, may kaugnayan tila ang inyong katanungan sa polisiya pang-serbisyo sibil, particular sa
Managerial Position o Puno ng Institution at sa
jurisprudence definition ng
ministerial at
discretionary. Dahil dito, iniimbitahan namin ang inyong atensyon sa
Item 1, C, ng CSC Memorandum Circular No. 13, s. 2011 (Policies for Executive/Managerial Positions in the Second Level), at sa
Codilla, Sr. v. de Venecia, 442 Phil. 139 (2002), kung saan pinahayag ang mga sumusunod:
"c. Executive/Managerial - this includes professional, technical and scientific positions, the functions of which are managerial in character, exercising management over people, resource, and/or policy and exercising functions such as planning, organizing, directing, coordinating, controlling and overseeing the activities of an organization, a unit thereof or of a group, requiring some degree of professional, technical or scientific knowledge and experience, application of managerial skills required to carry out basic duties and responsibilities involving leadership, functional guidance and control. These positions require intensive and thorough knowledge of a specialized field."
at
"The distinction between a ministerial and discretionary act is well delineated. A purely ministerial act or duty is one which an officer or tribunal performs in a given state of facts, in a prescribed manner, in obedience to the mandate of a legal authority, without regard to or the exercise of his own judgment upon the propriety or impropriety of the act done. If the law imposes a duty upon a public officer and gives him the right to decide how or when the duty shall be performed, such duty is discretionary and not ministerial. The duty is ministerial only when the discharge of the same requires neither the exercise of official discretion or judgment."
Dahil ang Puno ng Institution ay tagapamahala ng eskwelahan, siya ay may
managerial functions at may
discretionary functions and/or powers.
Bilang pagtugon sa iyong pangalawang
concern, ang iyong atensyon ay iniinbitahan sa
CSC MC No. 13, 2. 2011 na nagbibigay regulasyon sa
executive/managerial positions lamang, na nasa second level na
non-presidential appointees. Dahil dito lalong pinatibay na hindi sakop o wala sa
jurisdiction ng Komisyon ang mga
executive/mangagerial positions na
presidential appointees. At dahil po dito, maaari niyo rin pong alamin kung
presidential appointee ang Puno ng inyong Institution.
Bilang pagtugon sa iyong panghuling
concern, ang tamang hakbang sa pag-
file ng
Complaint at ang maaaring i-
file na
Complaint laban sa puno ng inyong tanggapan ay makikita sa
Rules 3 (Complaint) at
10 (Schedule of Penalties) ng
Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RRACCS). Maaari rin po kayong bumisita sa opisyal na
website ng Komisyon ng Serbisyo Sibil na makikita sa
www.csc.gov.ph
. Hanapin lang ang
topic na ‘
issuances’ at pagkatapos makikita po ang mga desisyong
disciplinary ng Komisyon at mga Polisiyang pang-serbisyo sibil.
Nawa'y naliwanagan kayo.
Maraming salamat po!